Wednesday, November 2, 2016

Nagpapakamakata. Hakuna matata.

Para makita ka,
Ilang dagat ang dapat sisirin?
Ilang bundok pa ang dapat akyatin?
Ngunit kahit ano'ng sisid at akyat ko,
Alam kong hindi kita matatagpuan.

Ang alam ko, nandoon ka sa lugar kung saan kita iniwan.
Iyon ang sinabi mong pinanghawakan ko.
Bumalik ako, di kita mahanap.
At alam ko na kahit ano'ng gawin ko,
Di na kita matatagpuan.

Imbes na sumisid sa dagat,
At umakyat ng bundok,
Palalayain na lamang kita.
Ihihinga ko na lamang ang iyong pangalan,
Hangga't mawala ka sa aking sistema.

Unang hinga. Nandyan ka pa?
Pangalawang hinga. Nandyan ka pa?
Pangatlong hinga. Nandyan ka pa?
Umabot sa ika-isang daang hinga. Hay.
Marami-rami pa 'to.